06 August 2014

Ensaladang Ampalaya

Mga Sangkap:

1 pirasong Ampalaya
2 kutsarang asin
3 pirasong sibuyas Tagalog, hiniwa ng manipis
2 pirasong kamatis, hiniwa ng pabilog at maninipis

Pagluluto:

1. Hatiin ng pahaba ang ampalaya, tanggalin ang buto at hiwain ng maninipis.
2. Asinan ang Ampalaya at itabi.
3. Pagkaraan ng 20 minuto, pigain ang Ampalaya at banlawan ng dalawang beses at patuluin.
4. Sa isang bowl o mangkok, pagsama-samahin ang Ampalaya, kamatis at sibuyas. Palamigin kasama ng sarsa o dressing.

Sarsa o Dressing:

4 kutsarang sukang tuba (Coconut Nectar Vinegar)
4 kutsarang tubig
4 kutsarang asukal
1 kurot ng pamintang durog

1. Sa isang maliit na kaserola, paghaluin ang suka at tubig, pakuluan ng 2 minuto.
2. Hinaan ang apoy, idagdag ang asukal at pamintang durog.
3. Haluin ng 3 minuto. Alisin sa apoy, palamigin at ihain kasama ng Ampalaya salad.

No comments:

Post a Comment